Ang Golden Gate Bridge ay isa sa mga pinakamagandang tulay dahil sa pagtataglay ng mga malalaking tore, masasaklaw na pangunahing kable at malawak na naaabot. Ang Golden Gate Bridge ay matatagpuan sa U.S. Highway 101 at nagkakaloob ng mahalagang pagkakaugnay sa pagitan ng San Francisco at sa mga county sa hilaga. Noong Mayo 2012, ang Tulay ay nagdiwang ng Ika-75 Anibersaryo nito.

PAGBISITA SA GOLDEN GATE

Ang tanyag sa mundo na Golden Gate Bridge ay isang walang-katulad na karanasan ikaw man ay nagmamaneho, naglalakad, o namimisikleta sa kahabaan nito. Mayroon pang birtuwal na Bridge Walk para sa mga hindi makapunta sa Tulay.

Paggamit ng Tulay: Ang mga naglalakad at namimisikleta ay maaaring gumamit ng bangketa kapag may liwanag ng araw. Ang mga naglalakad at namimisikleta ay parehong nakakagamit ng silangang bangketa Lunes hanggang Biyernes. Ang mga siklista ay gumagamit ng kanlurang bangketa sa araw ng Sabado at Linggo. Lahat ng mga bisita ay dapat maingat na magmasid dahil ang mga bangketa ay nagiging labis na abala. Ang Tulay ay 1.7 milya ang haba at ang mga komportableng sapatos at suson-susong damit ay inirerekomenda.

Ang Blades, Skateboards at Roller Skates ay hindi ipinahihintulot. Ang di-tagaserbisyong mga aso ay hindi rin ipinahihintulot.

Mga Direksiyon at Paradahan: Ang mga bangketa ng Tulay ay magagamit mula sa timog-silangang loteng paradahan o sa hilagang-silangang loteng paradahan sa Vista Point.

BAGONG Elektronikong Pagsingil ng Toll sa Golden Gate Bridge: Pagsapit ng Marso 27, 2013, lahat ng mga bayad sa Golden Gate Bridge ay sinisingil sa paraang elektronikal. Walang paghinto sa Toll Plaza. Itong bagong lahat-ay-elektronikong sistema ng pagsingil ay ginagawang mas madali ang pagtawid sa Tulay. Ang mga toll ay tinatasa nang awtomatiko gamit ang isang FasTrak toll tag o ang Pay-By-Plate.

May isang maginhawang pagbabayad na angkop sa pangangailangan ng bawat drayber. Upang pumili kung anong opsyon sa pagbabayad ng toll ang pinakaangkop sa iyo, dapat mong isaalang-alang kung gaano kadalas na ginagamit mo ang Golden Gate Bridge gayon din ang paraan ng pagbabayad na mas gusto mong gamitin. Bisitahin ang aming website o ipagpatuloy ang pagbabasa para sa karagdagang kaalaman. Mangyaring tandaan: ang impormasyon ay makukuha sa maraming wika! http://goldengate.org/tolls/filipino.php

  • FasTrak. Ang FasTrak ay nag-aalay ng may-diskuwentong halaga ng toll ($5 para sa 2-ehe na mga sasakyan). Sa pamamagitan ng FasTrak, ang mga toll ay tinatasa gamit ang isang toll tag na nakalagay sa windshield at isang nasa itaas na antenna, na nagbabasa sa toll tag at sumisingil sa toll. Ang mga FasTrak toll tag ay ipinagkakaloob na may $20 maisasauling deposito. Ang FasTrak ay iniaatas upang gamitin ang nakalaang Carpool Lane, kapag karapat-dapat, upang bayaran ang $3 carpool toll. Bisitahin ang FasTrak para sa karagdagang impormasyon.
  • Pay-By-Plate. Ang mga opsyon na Pay-By-Plate ay gumagamit ng plaka ng sasakyan upang tasahin ang toll ($6 para sa 2-ehe na mga sasakyan). Basahin ang iba pa tungkol sa aming mga opsyon na Pay-By-Plate.
    • Ang License Plate Account ay isang magandang opsyon sa pagbabayad ng toll para sa mga motoristang mas gustong “magbayad habang sila ay gumagamit.” Maaari kang gumamit ng credit card upang buksan at pondohan ang account. Magbukas ng isang License Plate Account ngayon.
    • Ang One-Time Payments ay iminumungkahi para sa mga drayber na hindi madalas na tumatawid ng Golden Gate Bridge, mga bisita mula sa labas ng Bay Area, at mga parokyanong mas gustong magbayad ng cash. Ang One-Time Payments ay maaaring gawin online, sa pamamagitan ng telepono, o nang personal 30 araw bago ka tumawid ng Tulay o sa loob ng 48 oras pagkatapos ng iyong pagtawid. Basahin ang iba pa tungkol sa One-Time Payments.
    • Ang Toll Invoices ay ipinadadala sa mga parokyanong hindi gumawa ng aksyon upang mabayaran ang kanilang toll (FasTrak, License Plate Account, One-Time Payment). Ang isang invoice ay ipinadadala sa nakarehistrong may-ari ng sasakyan. Basahin ang iba pa rito.

Impormasyon Tungkol sa Paupahang Sasakyan: Kausapin ang iyong ahente ng paupahang sasakyan upang linawin kung paano ka sisingilin para sa mga toll kapag tumatawid sa alinmang tulay sa Bay Area sa isang paupahang sasakyan. Makakapili kang pumasok sa programa sa toll ng kompanyang nagpapaupa at bayaran ang toll at ang kanilang mga pang-araw-araw na bayad na pangkaginhawahan. O maaari kang lumabas sa kanilang programa at gumawa ng One-Time Payment BAGO tumawid ng Golden Gate Bridge.

Para sa mga sasakyang may higit sa dalawang ehe, ang halaga ng toll ay nakadepende sa bilang ng mga ehe.

PAMIMILI SA GOLDEN GATE BRIDGE

Ang isang biyahe patungo sa Golden Gate Bridge ay hindi magiging kumpleto kung walang pagbisita sa bagong Bridge Pavilion at “Round House,” matatagpuan sa bagong-gawang plaza ng bisita sa timog-silangang panig (mga direksiyon). Sa Pavilion, makakatagpo ka ng mga makasaysayang artifact, eksibit, at iba't ibang bago at walang-katulad na mga produkto na ipinagdiriwang ang Tulay. Maaari mo ring matuklasan ang agham at inhinyeriya na nasa likod ng paggawa ng Tulay sa pamamagitan ng mga interaktibong pagtatanghal sa makalabas lamang ng Pavilion.

 

Sa bago at pinabuting “Round House,” makakakuha ka ng paglalakbay na may personal na patnubay at makakarinig ng mga kamangha-manghang istorya ng panganib, hamon, at pagkamalikhain tungkol sa pagtatayo ng Tulay. Maaari ka ring gumawa ng isang “birtuwal na pagbisita” sa Bridge Photo Experience.

PAGPARADA SA GOLDEN GATE BRIDGE

Ang mga punto ng tanawin na may paradahan na kabilang ang mga espasyo para sa mga taong may kapansanan ay matatagpuan sa pareho ng timog-silangan at hilagang-silangan na mga panig ng Tulay.

PAGHAHATID

Ang Golden Gate Transit (GGT) ay nagkakaloob ng panrehiyong pirmihang-ruta na serbisyo ng bus sa mga County ng San Francisco, Marin at Sonoma. Ang limitadong serbisyo ay makukuha rin sa pagitan ng San Rafael sa sentral na Marin at sa istasyon ng El Cerrito/Del Norte BART sa kanlurang Contra Costa County. Ang limitadong lokal na serbisyo ng bus ay ipinagkakaloob sa loob ng Marin County, sa ilalim ng kontrata sa Marin Transit. Ang mga serbisyo ng bus ay ipinagkakaloob araw-araw, nang may binawasang serbisyo sa mga araw ng Sabado at Linggo at mga partikular na piyesta opisyal. Tingnan ang Mga Iskedyul ng Bus sa aming website.

Ang Golden Gate Ferry (GGF) ay nagpapatakbo ng isang madalas na serbisyo ng ferry sa pagitan ng San Francisco at Larkspur sa sentral na Marin County, at sa pagitan ng San Francisco at Sausalito sa patimog na Marin County. Ang mga serbisyo ng ferry ay ipinagkakaloob araw-araw na may madalas na serbisyo sa araw ng Lunes hanggang Biyernes at binawasang serbisyo sa araw ng Sabado at Linggo at mga partikular na piyesta opisyal. Ang mga ferry ay HINDI pinatatakbo sa mga araw ng Pasasalamat, Pasko at Bagong Taon. Tingnan ang Mga Iskedyul ng Ferry sa aming website.

MGA MAPA NG SISTEMA NG GGT at GGF

KALENDARYO NG PIYESTA OPISYAL 2013-2014

 

Mga Iskedyul ng
Ferry

Mga Iskedyul ng
Bus

Araw ng Kalayaan, Huwebes, Hulyo 4, 2013

PIYESTA OPISYAL

HOLIDAY

Araw ng Paggawa, Lunes, Setyembre 2, 2013

PIYESTA OPISYAL

HOLIDAY

Araw ni Columbus, Lunes, Oktubre 14, 2013

Regular

Regular

Araw ng mga Beterano, Lunes, Nobyembre 11, 2013

Regular

Regular

Araw ng Pasasalamat, Huwebes, Nobyembre 28, 2013

WALANG SERBISYO

PIYESTA OPISYAL

Araw Pagkaraan ng Araw ng Pasasalamat, Biyernes, Nobyembre 29, 2013

MAY PAGBABAGONG PIYESTA OPISYAL
(Larkspur)
PIYESTA OPISYAL
(Sausalito)

Regular

Araw ng Pasko, Miyerkules, Disyembre 25, 2013

WALANG SERBISYO

PIYESTA OPISYAL

Araw ng Bagong Taon, Miyerkules, Enero 2, 2014

WALANG SERBISYO

PIYESTA OPISYAL

Araw ni Martin Luther King, Lunes, Enero 20, 2014

MAY PAGBABAGONG PIYESTA OPISYAL
(Larkspur)
PIYESTA OPISYAL
(Sausalito)

Regular

Araw ng mga Presidente, Lunes, Pebreo 17, 2014

PIYESTA OPISYAL

HOLIDAY

Araw ni Cesar Chavez, Lunes, Marso 31, 2014

Sabado at Linggo

Linggo

Araw ng Paggunita, Lunes, Mayo 26, 2014

PIYESTA OPISYAL

HOLIDAY

Araw ng Kalayaan, Biyernes, Hulyo 4, 2014

PIYESTA OPISYAL

HOLIDAY

 

MGA CASH NA PASAHE AT MAPA NG SONA NG PASAHE

Cash ng Nasa Hustong Gulang Cash ng Kabataan/Nakatatanda/May-kapansanan Cash na mga Pasahe sa Golden Gate Value Cards

Kapag sasakay sa bus, sabihin sa drayber ang iyong destinasyon upang masingil ang angkop na pasahe. Magpakita ng wastong pagkakakilanlan upang makatanggap ng pasaheng may diskuwento.

Ang para sa isang-direksiyon na mga cash na pasahe sa bus ng GGT ay ipinapasiya ng Fare Zones, at nag-iiba alinsunod sa haba ng biyahe at bilang ng mga tinawid na Fare Zones. Ang mga cash na pasahe sa bus at ferry at ipinakikita sa ibaba.

Upang Gamitin ang Talahanayan ng Pasahe

Kung gusto mong maglakbay mula sa San Rafael (Zone 3) patungo sa San Francisco (Zone 1), hanapin ang San Rafael (sa kaliwang-kamay na hanay ng talahanayan) at saka tingnan nang pahalang ang talahanayan patungo sa lugar na ang Zone 3 ay bumabagtas sa Zone 1 (ipinababatid ng puting background). Ang iyong isang-direksiyon na cash na pasahe ay $5.75.

CASH NA PASAHE SA BUS NG NASA HUSTONG GULANG (ISANG-DIREKSIYON)
Simula Hulyo 1, 2013

Mga Lugar

Mula sa Zone

Patungo sa Zone

1

2

3

4

5

6

San Francisco

1

$4.25*

$4.75

$5.75

$7.00

$10.25

$11.25

Sausalito, Mill Valley, Tiburon

2

$4.75

 

Tingnan ang Talahanayan ng Cash na Pasahe sa Lokal na Bus ng Marin

$7.00

$8.25

Corte Madera, Larkspur, San Rafael, Ross Valley, Lagunitas, Woodacre

3

$5.75

$5.75

$7.00

Ignacio, Novato, San Marin

4

$7.00

$4.75

$5.75

Cotati, Rohnert Park, Petaluma

5

$10.25

$7.00

$5.75

$4.75

$4.25

$4.25

Santa Rosa

6

$11.25

$8.25

$7.00

$5.75

$4.25

$4.25

* Para sa paglalakbay patungo/mula sa Golden Gate Bridge Toll Plaza at
Richardson Ave. & Francisco St. lamang.

CASH NA PASAHE SA BUS NG KABATAAN, NAKATATANDA, MAY-KAPANSANAN O NASA MEDICARE (ISANG-DIREKSIYON)
Simula sa Hulyo 1, 2013

Mga Lugar

Mula sa Zone

Patungo sa Zone

1

2

3

4

5

6

San Francisco

1

$2.00*

$2.25

$2.75

$3.50

$5.00

$5.50

Sausalito, Mill Valley, Tiburon

2

$2.25

 

Tingnan ang Talahanayan ng Cash na Pasahe sa Lokal na Bus ng Marin

$3.50

$3.50

Corte Madera, Larkspur, San Rafael, Ross Valley, Lagunitas, Woodacre

3

$2.75

$2.75

$3.50

Ignacio, Novato, San Marin

4

$3.50

$2.25

$2.75

Cotati, Rohnert Park, Petaluma

5

$5.00

$3.50

$2.75

$2.25

$2.00

$2.00

Santa Rosa

6

$5.50

$4.00

$3.50

$2.75

$2.00

$2.00

* Para sa paglalakbay patungo/mula sa Golden Gate Bridge Toll Plaza at
Richardson Ave. & Francisco St. lamang.

CASH NA PASAHE SALOKAL NA BUS SA MARIN (ISANG-DIREKSIYON)
Simula sa Hulyo 1, 2013


Pasahe ng Nasa Hustong Gulang

$2.00

Pasahe ng Kabataan, Nakatatanda, May-kapansanan o Nasa Medicare

$1.00

 

CASH NA PASAHE SA SERBISYO NG BUS SA RICHMOND-SAN RAFAEL BRIDGE (ISANG-DIREKSIYON)
Simula sa Hulyo 1, 2013

 

Sa Loob ng
East Bay

East Bay/
Marin

East Bay/
Sonoma

East Bay/
San Francisco

Pasahe ng Nasa Hustong Gulang

$4.75

$4.75

$8.75

$8.75

Pasahe ng Kabataan, Nakatatanda, May-kapansanan o Nasa Medicare

$2.25

$2.25

$4.25

$4.25

Mga Pasaheng May Diskuwento: Ang mga lokal na parokyano ng Golden Gate ay makakatipid ng 10% sa paggamit ng Value Card. Ang $18 at $36 Value Cards ay may-bisa para sa paglalakbay sa loob ng Marin County lamang. Ang Value Cards ay hindi nagsasauli ng bayad o maipagpapalit. Tingnan ang isang listahan ng mga lugar kung saan makakabili ng Value Cards sa aming website.

Mga Pases sa Panahon: Ang mga parokyano ng bus ng Golden Gate na naglalakbay sa loob lamang ng Marin County ay makakakuha ng diskuwento sa pamamagitan ng pagbili ng isang Arawan, Lingguhan (7-araw) Buwanan (31-araw) na mga Pases. Ang 1-araw na pases ay mabibili sa mga bus, at ang 7-araw at 31-araw na mga pases ay mabibili online o sa ilang lokal na tagabenta. Ang mga pases ay nagkakaloob ng walang-limitasyong mga biyahe sa isang panahon at hindi magagamit sa labas ng Marin County.

Clipper: Ang mga parokyano ng bus at ferry ng Golden Gate ay maaaring gumamit ng Clipper card upang makakuha ng diskuwento. Itong madaling gamitin, mahusay na card (may sukat na katulad ng credit card) ay nag-aalis ng pangangailangan ng cash at mga paglipat. Ang Clipper card ay awtomatikong nagbabawas ng tamang pasahe, kabilang ang angkop na diskuwento at mga paglipat, para sa bawat biyahe ng paghahatid. Bisitahin ang Clipper website para sa karagdagang impormasyon.

CLIPPER / MGA PASAHE SA BUS SA PAMAMAGITAN NG LOKAL NA VALUE CARD NG MARIN

Simula sa Hulyo 1, 2013


Halaga ng Bawat Sakay

Para sa Paglalakbay sa Pagitan Nitong GGT Zones*

$3.80

2 at 1; 5 at 4; Sa loob ng East Bay; East Bay at Marin

$4.60

3 at 1; 5 at 3; 6 at 4

$5.60

4 at 1; 5 at 2; 6 at 3

$6.60

6 at 2

$8.20

5 at 1

$9.00

6 at 1

$7.00

East Bay at 1; East Bay at 5; East Bay at 6

$1.80

Lokal na Diskuwento ng Marin sa Nasa Hustong Gulang

* Zone 1: San Francisco; Zone 2: Sausalito, Mill Valley, Tiburon; Zone 3: Corte Madera, Larkspur, San Rafael, Ross Valley, Lagunitas; Zone 4: Ignacio, Novato, San Marin; Zone 5: Petaluma, Cotati, Rohnert Park; Zone 6: Santa Rosa

MGA DISKUWENTO SA PASAHE


Mga Nagbibiyahe

20% na kabawasan sa cash na pasahe sa pamamagitan ng Clipper (10% na diskuwento para sa paglalakbay sa loob ng Marin County lamang sa Clipper o Marin Local Value Card). Ang Clipper ay nagkakaloob din ng diskuwento para sa mga nagbibiyahe sa pamamagitan ng ferry. Hindi puwede sa grupong paglalakbay.

Mga Nakatatanda (65+)

50% na kabawasan sa cash na pasahe ng nasa hustong gulang sa pamamagitan ng Regional Transit Connection (RTC) Discount Card*, Medicare Card, o kard ng pagkakakilanlan mula sa ibang sistema ng paghahatid ng California.

Mga Taong may mga
Kapansanan

50% na kabawasan sa cash na pasahe ng nasa hustong gulang sa pamamagitan ng DMV Disabled Placard ID, RTC Discount Card*, Medicare card, o card ng pagkakakilanlan para sa mga taong may kapansanan mula sa ibang tagapagpatakbo ng paghahatid. Ang mga katulong sa personal na serbisyo ay karapat-dapat din para sa 50% na diskuwento mula sa cash na pasahe ng nasa hustong gulang lamang kapag sinasamahan ang isang isang awtorisadong taong may kapansanan na may nakalagay na logo sa kanyang RTC Discount Card.

Kabataan
6 hanggang 18

50% na kabawasan sa cash na pasahe ng nasa hustong gulang, may edad na 6 hanggang 18. Ang drayber ay maaaring humiling ng katunayan ng edad.

Mga Bata

Ang mga batang may edad na 5 o mas bata ay makakasakay nang libre kapag may kasamang nasa hustong gulang (limitado sa dalawang bata bawat nasa hustong gulang) sa lahat ng mga ruta.

*Ang RTC Discount Cards ay iniisyu sa pamamagitan ng pagtawag sa Whistlestop Wheels sa 415-456-9062, Lunes-Huwebes, 10 am – 3 pm, o GGT sa 415-257-4407. Mangyaring tumawag upang humingi ng appointment.

MGA ISKEDYUL NG FERRY

LARKSPUR FERRY: Ang Golden Gate Larkspur Ferry ay tumatakbo araw-araw sa pagitan ng San Francisco at Larkspur sa Marin County

SAUSALITO FERRY: Ang Golden Gate Sausalito Ferry ay tumatakbo araw-araw sa pagitan ng San Francisco at Sausalito sa Marin County

MGA PASAHE NG FERRY

Mga Pasahe ng Ferry

ISANG-DIREKSIYON NA MGA PASAHE NG FERRY

Simula sa Hulyo 1, 2013

 

Larkspur

Sausalito

Clipper

$6.25

$5.25

Cash na Pasahe ng Nasa Hustong Gulang

$9.50

$10.25

Kabataan (6-18), Nakatatanda (65+), May-kapansanan o Nasa Medicare

$4.75

$5.00

Ang mga batang 5 at mas bata (limitado sa 2 bawat buong pasahe ng nasa hustong gulang)

LIBRE

LIBRE

Translation Flags

SERBISYO SA PAROKYANO AT PAGPAPLANO NG BIYAHE SA MARAMING WIKA

Ang Golden Gate Customer Service Center ay bukas Lunes hanggang Biyernes mula 7:00 am hanggang 6:00 pm para sa tulong sa pagpaplano ng isang biyahe sa paghahatid, pag-uulat ng nawalang bagay, pagbili ng mga pases/card, at pagkomentaryo sa aming mga serbisyo.

Nakakagamit kami ng mga tagasalin na nagsasalita ng higit sa 150 wika upang tumulong sa pagsasalin ng mga pangangailangan ng mga tumatawag sa amin. Ang parokyanong nangangailangan ng tulong ay maaaring tumawag sa 415-455-2000 para sa impormasyon sa anumang wikang pinakakomportable sila.